Kasunod ng madugong terror attack sa Paris, France nitong Friday the 13th, mas malakas na military response kontra Islamic State of Iraq and Syria ang naging panawagan ng global community ngayon.
Sinabi ni U.S Senator Dianne Feinstein, ang mga krimen na naitala ng ISIS ay patunay lamang na lumalawak na ang kanilang sinasakupan at pag taas ng posibilidad na madagdagan pa ang serye ng mga malalagim na trahedya.
Ayon pa kay Feinstein, hindi sapat ang ginagawang hakbang at estratehiya ng Estados Unidos sa ilalim ni Pres. Barack Obama para mabigyan ng seguridad ang mga kaalyado nitong bansa.
Dahil dito, naniniwala ang mambabatas at counter terrorism experts na dapat nang mas higpitan at dagdagan pa ang hakbang upang masugpo ang naturang terorista.
Matatandaang bago ang serye ng pag atake sa Paris, iniuugnay sa ISIS ang pagbagsak ng Russian pasengger plane sa Sinai Peninsula na kumitil ng 224 buhay at ang dalawang suicide attacks sa Beirut na kumitil naman ng 43 na buhay.
By: Mark Gene Makalalad