Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa online scammers na gumagamit ng pangalan ng mga opisyal ng kagawaran para makapag-solicit ng pera.
Ayon sa kagawaran, ang panloloko na ito ay nagsisimula sa pagmemensahe ng mga nagpapanggap na DOH officials gamit ang hindi kilalang account at nanghihingi ng pera.
Sakaling makaranas nito, paalala ng DOH na huwag magbigay ng personal na impormasyon sa halip ay i-block at i-report ang mga ito awtoridad.