Asahan na bukas ang malaking taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, nasa P6.30 sentimo hanggang P6.60 sentimo ang itataas sa kada litro ng diesel.
Maglalaro naman sa P2.50 sentimo hanggang P2.80 sentimo ang dagdag-singil sa kada litro ng gasolina.
Ayon kay Director Rino Abad ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau, mayroong tatlong umiiral na kaganapan sa presyon ng suplay ng langis dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo nito sa bansa kabilang na dito ang pag ban ng European Union sa Russian oil imports.
Bukod pa diyan, malaking epekto din ang pagtaas ng demand sa mga bansang nasa northern hemisphere dahil sa summer peak period mula hunyo hanggang Setyembre at pag block ng Russia sa 27% ng imported oil sa iba pang mga bansa dahilan ng mataas na presyo nito sa International Market.