Hindi maiiwasang tumaas din ang presyo ng instant noodles, pasta, biskuwit at iba pang produktong gumagamit ng trigo sa bansa.
Ibinabala ito ng bakery owner at ekonomistang si Wilson Flores kasabay ng global wheat shortage dahil sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, na kapwa pangunahing supplier ng trigo.
Ayon kay Flores, dapat nang mag-isip ang gobyerno, partikular ang Department of Science and Technology ng mga paraan upang hindi masyadong umaasa ang bansa sa wheat o gumamit ng ibang local ingredients.
Panahon na anya ito upang mas maging malikhain ang mga Pinoy sa mga sangkap sa paggawa ng tinapay, bagay na nagawa naman noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.