Aabot sa 7,000 hanggang 8,000 pulis ang ipapakalat para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Manila Police District chief Police Brigadier General Leo Francisco, magkakaroon din ng karagdagang tauhan mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at Philippine National Police – National Headquarters.
Sa ngayon aniya ay wala pa silang namo-monitor na banta kaugnay sa papalapit na inagurasyon ni BBM.
Nakatakdang idaos sa National Museum of the Philippines ang oath-taking ni Marcos sa Hunyo 30.