Magpapatuloy ang mga programa ng gobyerno sa mga Insurgency-Free Barangays sa Western Visayas.
Ito ang muling tiniyak ng Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) ng regional task force to End Local Communist Armed Conflict-Western Visayas (RTF-ELCAC) 6 kahit pa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay TESDA-Region 6 Director Jerry Tizon, wala siyang nakikitang rason upang tuldukan na ng susunod na administrasyon ang ELCAC, lalo’t positibo ang naging resulta nito, partikular sa mga liblib na lugar.
Inaasahan na anya nila ito dahil mayroon ng commitment mula kay incoming President Bongbong Marcos Jr. na ipagpapatuloy ang mga sinimulan ng kasalukuyang administrasyon, lalo ang NTF-ELCAC.
Sakali namang itigil, tiniyak ni Tizon na ipagpapatuloy pa rin ng cluster members ang kanilang tungkulin na i-angat ang pamumuhay ng kanilang constituents, lalo sa mga liblib na lugar.
Umabot na sa 72 barangay sa Western Visayas ang idineklarang insurgency-free noong 2019, habang 93 pa ang cleared mula 2020 hanggang 2021.