Inihayag ng US government na bibisita sa Pilipinas si US Deputy Secretary of State Wendy Sherman upang makipagkita kay President-elect Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa pahayag, ang pagpunta ni Sherman sa Pilipinas ay bahagi ng kanyang pagdalaw sa rehiyon.
Mababatid na si Sherman ang magiging pinakamataas na opisyal ng Estados Unidos na pupunta sa bansa matapos ang 2022 elections.
Samantala, bukod kay Marcos ay makikipagkita rin si Sherman sa mga opisyal ng papasok at papaalis na administrasyon upang pag-usapan ang pagpapatibay ng alyansa ng Estados Unidos at Pilipinas.