Nanawagan ang palasyo sa mga drayber at operator ng Public Utility Jeepney (PUJ) na iurong ang planong tigil-pasada ngayong linggo sa kabila ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya para tulungan ang mga nasabing indibidwal.
Aniya, patuloy pa rin ang implementasyon ng fuel subsidy program na kung saan nasa 180,000 operators na ang nakatanggap ng ayuda batay sa huling tala noong Hunyo a-primero ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Nabatid na nasa 70 piso hanggang 80 piso ang presyo ng kada litro ng langis.