Patay na nang matagpuan sa Bacacay, Albay ang isang babaeng magtatapos sanang Cum Laude.
Kinilala ni Bacacay Police Chief, Maj. Irvin Bellen, ang biktimang si Rhea Boneo, 22-anyos na posibleng ginahasa dahil punit-punit ang suot nito nang makita sa masukal na lugar.
Bukod sa saksak na tinamo ng biktima, ginilitan din ito nang madiskubresa Purok Tres.
Dakong alas-5 ng hapon noong linggo nang umalis ang biktima para kunin ang padalang pera ng kaniyang kapatid.
Gayunman, hindi na ito umuwi kaya nagpasaklolo na sa mga pulis ang kanyang pamilya.
Sa ngayon, may persons of interest na ang pulisya pero pinaghahanap pa rin ang mga ito.
Magtatapos sanang Accountancy at running for Cum Laude ang biktima na isa ring scholar at working student sa Divine World College sa Legazpi City.