Magreretiro na ang dalawang manlalaro ng Barangay Ginebra na sina Joe Devance at Mark Caguioa.
Ayon kay Ginebra Guard Scottie Thompson, nakalulungkot na hindi na nila makakasama sa 47th season ng PBA ang dalawang manlalaro.
Hamon naman ito para sa koponan dahil nalagasan ng dalawang magagaling na players ang Gin Kings.
Noong Hunyo a-1, inanunsiyo ni Devance ang kaniyang pagreretiro habang wala pang pormal na pahayag si Caguioa.