Nagpaalala sa huling pagkakataon ang Department of the Interior and Local Government (DILG), na mayroon na lamang hanggang bukas, hunyo a-otso ang mga newly elected officials upang isumite ang kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCES) sa COMELEC.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hindi papayagan ng ahensiya na makapanumpa sa kanyang panunungkulan ang mga bagong halal na opisyal nang hindi naghain ng soce.
Mababatid na kasama sa SOCE ang cash at in-kind contribution na natanggap ng kandidato mula sa isang political party at iba pang sources.
Kasama rin dito ang mga paggasta na binayaran mula sa mga personal na pondo, mula sa mga cash contribution at nakuha gamit ang mga in-kind contribution.
Nilinaw naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, na hindi lang limitado sa mga nanalong kandidato ang pagsusumite ng SOCES, kundi pati na rin sa mga natalo at sa mga political parties.