Muling nabigo si ‘The Filipino Flash’ Nonito Donaire na talunin ang Japanese champ na si Naoya Inoue.
Naganap ang laban kahapon sa Super Arena ng Saitama, Japan.
Ayon sa ulat, tumagal ng second round ang laban kung saan unang napabagsak ni Inoue si Donaire sa first round.
Nagpatuloy ang laban sa ikalawang round at dito na pinakawalan ng Japanese boxer ang solidong suntok dahilan para itigil na ng referee ang laban.
Dahil sa panalo, hawak na ng pambato ng Japan ang belt ng WBA at IBF.
Taong 2019 unang nagsagupa ang dalawa kung saan tinalo rin ni Inoue si Donaire.