Patuloy paring mararanasan ang maaliwalas na panahon sa bahagi ng Luzon kung saan, magiging mainit sa umaga hanggang tanghali pero may posibilidad ng panandaliang pagbuhos ng ulan sa hapon hanggang sa gabi bunsod parin ng localized thunderstorm.
Wala namang nakikitang weather system na magdudulot ng malawakang mga pag-ulan kaya asahan ang maaliwalas na panahon sa Visayas at Mindanao.
Samantala, patuloy paring nagpapaalala sa publiko ang PAGASA na huwag paring kalilimutang magdala ng payong para sa biglaang pagbuhos ng ulan sa hapon hanggang sa gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 26°C hanggang 34°C habang sumikat naman ang haring araw ala- 5:26 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:24 ng hapon.