Wala paring natatanggap na tulong mula sa Lokal na Pamahalaan ang Irosin, Sorsogon matapos ang phreatic eruption sa Bulkang Bulusan.
Ayon sa Irosin Municipal Risk Reduction and Management Office, nasa limang barangay ang naapektuhan ng ashfall dahil sa pag-alburoto ng Bulkang Bulusan.
Sinabi ng Irosin MRRMO na malinis na tubig ang pinaka-kailangan ng mga nabanggit na barangay maging ng N95 mask.
Hindi pa rin kasi inaalis ng PHIVOLCS ang posibilidad na muling pumutok ang Bulkang Bulusan.