Isa hanggang dalawang bagyo ang maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Hunyo.
Ayon sa PAGASA, posibleng maapektuhan ng mga papasok na sama ng panahon ang Eastern Visayas at Bicol Regions kung saan maaari itong mag-landfall.
Sakaling mag-landfall sa Bicol, maaaring dumiretso ang bagyo sa Metro Manila.
Gayunman, may tsansa pa ring lumihis ang bagyo sa PAR at hindi maka-apekto sa bansa pero maaari naman nitong palakasan ang Southwest Monsoon o hanging Habagat na magdudulot ng malakas na ulat at pagbaha.