Sumalpok sa tatlong concrete barriers ang isang puting SUV sa kahabaan ng Boni Serrano Avenue sa boundary ng San Juan at Quezon City.
Ayon sa mga otoridad, durog ang mga nasabing concrete barrier sa lakas nang pagkakabangga ng nasabing SUV na nayupi rin ang harapang bahagi at pumutok ang isang gulong nito sa harapan.
Sinabi ng mga otoridad na ligtas at walang galos ang SUV driver samantalang isinara ang kalahati ng kalsada at mahigit isat kalahating oras bago naayos ang kalsada.
Sa kuwento ng security guard ng subdivision, humaharurot ang SUV na nag overtake pa sa isang motorsiklo bago nagdire-diretso sa concrete barriers.