Inimbitahan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang iba’t ibang grupo ng mga magsasaka na makiisa sa DAR at pag-usapan ang kanilang proyekto na maaaring magpababa ng presyo ng bigas sa humigit-kumulang sa P20 kada kilo.
Magugunitang, nagsagawa ang DAR ng press conference nuong ika anim ng hunyo kung saan nagpahayag ito ng plano ng pagsusumite ng panukala kay President Elect Ferdinand Marcos Jr. Para sa isang proyekto na tinawag na Programang Benteng Bigas sa Mamamayan (PBBM).
Sa pbbm, tututukan ng DAR ang pag-mechanize ng mga lupang sakahan para makapag-produce ng sapat na supply ng bigas at kita para sa mga magsasaka.
Maliban dito, ipinapanukala ng dar ang paggamit ng inisyal na 150K na ektarya ng lupang palayan na nasa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).