Nananatiling matatag ang suplay ng mga gamot sa bansa sa kabila ang pagtaas ng presyo nito sa ilang mga ospital at pharmacy.
Ayon kay Janet Jacosalem, Vice President ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP), napilitan nang magtaas ng presyo ang mga manufacturer dahil na rin sa mataas na presyo mga raw materials.
Iginiit ni Jacosalem na ang mga gamot na tumaas ang presyo ay para lamang sa mga dermatologist o ang mga panglinis ng mukha at hindi kabilang ang mga gamot para sa may comorbidities gaya ng nakakaranas ng hypertension.
Sa ngayon, nananatiling matatag ang suplay ng gamot sa bansa dahil nananatili pa ring mababa ang demand nito sa pandaigdigang pamilihan.