Dapat dagdagan ang pantawid pasada para sa mga Public Utility Vehicles (PUV) drivers.
Ito ang inihayag ni Senator Sherwin Gatchalian sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.
Gayunman, mahalaga anya na mabilis na maibigay sa mga operator at driver ang ayuda.
Iminungkahi ng senador na gumamit ng electronic wallet upang mapabilis ang pagkuha ng mga PUV drivers sa pantawid pasada.
Iginiit ni gatchalian na hindi madali ang sitwasyon ng pilipinas dahil 99% ng langis ay ini-import kaya kapag tumataas ang presyo sa international market ay agad itong mararamdaman sa bansa.
Kabilang naman sa tinukoy ng mambabatas na long term solution na dapat gawin ay magkaroon ng bagong pagkukunan ng oil and gas; gumamit ng electric vehicles at renewable energy.
Pinaghahanda na rin ng senador ang bansa kung sakaling tumagal ang digmaan sa ukraine dahil hangga’t may giyera ay may posibilidad na tataas pa ang presyo ng langis. – sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)