Dalawang labor agreements ang nilagdaan ng pamahalaan na magbibigay ng mas magandang oportunidad sa mga Pilipino sa Germany.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, III, nilagdaan ng Pilipinas at Germany ang isang letter of intent para sa recruitment, deployment, at employment ng mga Filipino professionals at skilled workers.
Partikular na makikinabang dito ang mga electrical mechanics at fitters, electronics servicers, cooks, hotel receptionists, waiters, plumbers at pipe fitters.
Maliban dito, inanunsyo rin ng kalihim na kapwa lumagda sila ni German Minister of Health Karl Lauterbach sa isang Memorandum of understanding para sa deployment ng mga Pinoy Healthcare Professionals sa Germany.
Ang pangalawang partnership ay magbubukas ng oportunidad para naman sa mga nars, physiotherapists, radiographers, occupational therapists, biomedical scientists, at iba pang allied health professionals.