Inihayag ng Department of Health (DOH) Regional Office na 17 hinihinalang kaso ng chikungunya ang natukoy sa Davao City.
Ayon kay DOH-11 Director Dr. Annabelle Yumang, sa nasabing bilang, tatlo ang kwalipikado para sa testing at naisumite na rin ang specimen collection ng mga ito noong nakaraang linggo.
Sa ngayon aniya ay hinihintay pa nila ang resulta ng test na inaasahang lalabas sa susunod na linggo.
Sinabi pa ni Yumang na wala pang kumpirmadong kaso ng chikungunya sa siyudad at lahat ng suspected cases ay nakarekober na at walang na-ospital sa mga ito na nakaranas lamang ng mild symptoms.
Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na inumpisahan na ng DOH ang clustering ng suspected chikungunya cases sa Panacan Proper Bunawan, Davao City noong Mayo 26.
Pinayuhan rin aniya ni Health Secretary Francisco Duque, III ang publiko na sundin ang 4S behaviors laban sa dengue.