Target na masimulan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi sa ikalawang tranche ng fuel subsidy ngayong buwan o sa Hulyo.
Ayon kay LTFRB Executive Director Tina Cassion, inihahanda na nila ang mga dokumento para mai-request sa Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para rito.
nabatid na nasa P5B ang pondong ilalaan ng pamahalaan para sa second tranche ng fuel subsidy na mas malaki sa P2.5B na inilaan sa unang tranche.
Samantala, umaasa ang opisyal na makakatulong ang karagdagang subsidiya para makabalik sa pamamasada ang mga jeepney driver.
Magugunita na una nang umapela ang mga jeeney driver at operator na paluwagin ang requirements sa pagkuha ng fuel subsidy.