Iginiit ng Mandaluyong Police Station na hindi pa pwedeng arestuhin ang driver ng sports utility vehicle o suv na sumagasa sa security guard na si Christian Joseph Floralde sa panulukan ng Julia Vargas Avenue at St. Francis St. sa Mandaluyong City.
Ayon kay Mandaluyong City Police Chief, Col. Gauvin Mel Unos, wala pa umanong lumalabas na warrant of arrest kaya kanila pang hinihintay ang pag-isyu ng Prosecutor’s Office o ng Korte upang maging basehan para arestuhin ang suspek.
Matatandaang kamakailan, nagsampa na ang pulisya ng kasong frustrated murder laban sa may-ari ng suv at kinasuhan din ng obstruction of justice ang mga naka-duty na guwardiya dahil hinarang nila ang mga pulis na magtutungo sana sa bahay ng may-ari ng suv.
Itinakda ng LTO ang huling pagdinig sa kaso ngayong araw, Hunyo a-10 matapos hindi siputin ng driver at may-ari ng suv ang unang hearing noong Hunyo a-7.
Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling ang biktima nasa intensive care unit pa ng ospital.