7 ang nasawi habang sugatan ang hindi pa mabatid na bilang ng mga biktima sa pagsabog at sunog sa isang gusali sa South Korea.
Ayon sa pulisya, nagsimula ang pagsabog na sinundan ng pagsiklab ng apoy sa opisina ng isang law firm sa lungsod ng Daegu.
Isa umanong lalaking nasa edad 50 ang sinasabing nasa likod ng insidente matapos makunan ito sa cctv ng gusali.
Gayunman, inaalam pa kung kabilang ang nasabing lalaki sa mga nasawi.