Bahagyang sumirit ang kaso ng COVID-19 sa ilang lalawigan sa bansa.
Partikular na tinukoy ng grupong OCTA research ang Region 4-A at ilang lugar sa Central Luzon.
Gayunman sinabi ni OCTA Fellow Dr. Guido David na hindi pa ito dapat ikaalarma dahil hindi naman tuloy-tuloy ang pagtaas ng COVID infections.
Posible aniyang dahilan ng pagsirit ng kaso ang pagiging kampante ng publiko, pagpasok ng omicron subvariants sa bansa at paghina ng immunity ng bakuna.
Kaugnay nito, pinayuhan ni David ang publiko na sumunod pa rin sa minimum public health standards.