Inihayag ng Department of Energy na inaasahang bababa ang presyo ng liquefied petroleum gas o lpg sa mga susunod na buwan.
Ayon sa DOE, mayroong indikasyon ng price rollback dahil sa mahinang demand sa global market, partikular sa Europe, United States, China, Mexico, South Korea, at Japan.
Malalaman anila sa June 30 ang susunod na magiging price range ng LPG.
Gayunman, posibleng sumirit muli ang presyo ng lpg pagdating ng Oktubre dahil sa winter season sa Northern Hemisphere.
Hanggang nitong Hunyo 1, naglalaro sa P879.20 hanggang P1,107.09 ang kada 11-kilogram ng LPG sa Metro Manila.