Mariing kinondena ng ilang grupo ang ginawang pag-aresto ng pulisyasa higit 90 na magsasaka at ilang tagapagtanggol ng mga magsasaka sa Tinang, Concepcion, Tarlac.
Ginawa ng pag-aresto habang nagsasagawa ng collective land preparation activity para igiit ang kanilang karapatan sa dalawang ektaryang lupa mula dalawang daang ektaryang sugarcane plantation.
Ayon sa Gabriela Women’s Partylist, ang ginagawang pag-aresto ay iligal at marahas 93 agrarian reform beneficiaries at advocates.
Sa katunayan aniya, mas lalo pa ngang dapat suportahan ng gobyerno ang bungkalan ng mga magsasaka lalo na’t nahaharap ang bansa sa matinding importasyon ng produktong agrikultural, karahasan laban sa magsasaka, at laganap na kawalan ng lupa.
Pinasinungalingan din ng Malayang Kilusang Samahan ng Magsasaka ng Tinang (MAKISAMA-Tinang) ang pahayag ni PLt. Jenny Tolentino ng Tarlac Police Public Information Office (PIO) na ilegal ang hawak na papel ng nasabing mga magsasaka.
Giit ng grupo, lehitimo at aprubado ng Department of Agrarian Reform (DAR) kaya’t karapatan lamang nila na bungakalin ang maliit na bahagi ng lupa sa Hacienda Tinang.