Tuloy-tuloy ang paghahain ng diplomatic protest ng incoming Marcos Administration laban sa bansang China hanggat hindi tumitigil sa kanilang mga ginagawang iligal na aktibidad sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ayon kay incoming National Security Adviser Secretary Clarita Carlos, bahala nang umabot ng 10K ang protesta ng bansa kontra China basta’t ang mahalaga, maipakita sa kanila na labag sa International Law ang mga ginagawa nila sa West Philippine Sea.
Subalit nilinaw ni Carlos na magpapatuloy parin ang pakikipag-usap ng gobyerno sa Tsina at sa iba pang mga bansa na mayroon ding claims sa WPS.
Matatandaan na sinabi kamakailan ni Carlos na isusulong parin ng susunod na Administrasyong Marcos ang isang critical engagement sa China tulad na lamang ng pagbuo ng wholistic framework upang masiguro ang maayos na ugnayan ng dalawang bansa sa isyung politikal, social at cultural aspect.
Samantala, nakapaghain narin ng diplomatic protest ang Dept. of Foreign Affairs kontra China matapos mamataan sa Julian Felipe Reef noong nakaraang buwan ng Abril ang nasa mahigit 100 chinese vessels.