Tuwing may handaan, hindi nawawala sa putahe ang pansit na sinasabing pampahaba raw ng buhay.
pero iba ang pansit na maraming benepisyo sa kalusugan ang tatalakayin natin ngayon, na tiyak na makatutulong para sa mas mahabang buhay, ito
ay ang halamang gamot na pansit-pansitan.
Kadalasang makikita ang halamang gamot na pansit-pansitan kasama ang mga ibang klase ng damo,madalas ay napagkakamalaman lamang itong simpleng damo ng karamihan. ngunit maaari rin itong palakihin bilang ornamental.
Ang pansit-pansitan ay may makintab na hugis pusong mga dahon na may sukat na nasa humigit-kumulang apat na sentimetro ang haba, na lumalaki mula sa isang tuwid na translucent na berdeng tangkay.
Meron itong maliliit na parang tuldok na bulaklak na tumutubo mula sa tuwid at payat na berdeng mga spike .
Ngunit alam niyo ba isa ito sa mga halamang gamot na inrerekomenda ng department of health. Dahil ito mabisang gamot sa gout at athritis gayondin bilang gamot sa pamamaga ng mata, altapresyon at mga problema sa bato.Habang karaniwan din itong isinasahog sa isang salad.