Bagama’t mamaya pang hapon muling bubuksan sa publiko ang dolomite beach sa Maynila, at wala pang kasiguraduhan kung kailan makapagpapasok ng mga tao ay dinagsa na ng mga tao ang labas ng Manila baywalk dolomite beach.
Karamihan sa mga gustong masilayan ang dolomite beach ay mga pamilya na excited nang makapasok sa loob ng naturang beach.
Nabatid na mamayang alas-4 ng hapon gaganapin ang inagurasyon sa dolomite beach.