Asahan na bukas, Martes, ang pagpapatupad sa taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa anunsiyo ng ilang kumpaniya ng langis, maaaring tumaas ng ₱4.30 centavos hanggang ₱4.50 centavos ang kada litro ng diesel; habang ₱1.50 centavos hanggang ₱1.60 centavos naman ang dagdag-singil sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), simula noong Hunyo a-7 ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng ₱26.55 centavos; ₱36.85 centavos naman para sa diesel; at ₱33.10 centavos para sa kerosene.