Wala pang dapat ikabahala sa bahagyang pagtaas ng mga bagong COVID-19 cases sa bansa, partikular sa National Capital Region.
Nilinaw ni health undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi naman dapat ika-alarma ng publiko ang naitalang 1.6% na pagtaas sa positivity rate habang 14 sa 17 lugar sa bansa ay mayroon ding positive growth rate.
Ayon kay Vergeire, nasa low-risk pa naman ang bansa, indikasyon na hindi pa nasu-sustain ang pagtaas ng mga kaso.
Hindi pa rin naman anya tumataas ang hospital admissions at ang severe at critical cases ay hindi pa mataas.
Ang bahagyang paglundag ng mga bagong kaso ng virus ay dahil sa presensya ng mas nakahahawang subvariants ng Omicron sa bansa, maging ang nababawasang proteksiyon laban sa virus.