Pabor ang National Center for Commuter Safety and Protection sa hanggang tatlong pisong dagdag sa singil sa pasahe partikular sa mga jeep.
Ayon ito kay Elvira Medina, Chairperson ng grupo, subalit malaking problema ng publiko sa mga jeepney owners ay kalumaan ng kanilang mga sasakyan.
Hindi dapat ikarga sa mga pasahero ang mababang kalidad ng mga pampasaherong jeep kung saan ang mga lumang unit ay mas marami ang nakukunsumong gasolina.