Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS )na posible pang muling pumutok ang bulkang Bulusan.
Paliwanag ni PHIVOLCS Director Renato Solidum, katangian kasi ng bulkan ang phreatic eruption episodes na hindi lamang isa, dalawa kundi minsan ay mas marami.
Nangyayari aniya ito kapag ang usok ay may pressure, pero nilinaw naman niya na mas mabuti ito kaysa maipon.
Patuloy naman niyang pinag-iingat ang mga taga-Sorsogon sa masamang epekto ng pagsabog ng bulkan.