Pinagreresign ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Lieutenant General Vicente Danao Jr. ang mga police officers na hindi susunod sa patakaran ng gobyerno hinggil sa pagsusuot ng face mask.
Giit niya na ang direktiba lamang ng kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng pangulo ang dapat sundin.
Sinabi pa niya na sila ay bahagi ng ahensya ng gobyerno na naglilingkod sa bansa.
Nabatid na nilagdaan ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang executive order noong June 8 na nagpapatupad ng opsyonal na pagsusuot ng face mask sa outdoor set up maliban na lamang sa poor-ventilated spaces.