Pinaghahandaan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang ikakasang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election sa December.
Kabilang sa ginagawang preparasyon ng poll body ang mga sumusunod:
- Drafting ng implementing resolutions
- Pagbili ng election supplies tulad ng ballot paper
- Pagbili ng printing services para sa opisyal na balota, accountable at non-accountable forms.
- Pagsusuri sa COVID-19 health protocos at
- Posibleng pagdaraos ng voter registration sa July 4 hanggang 30 na pag-aaralan pa ng Commission en Banc
Tinataya namang aabot sa 66,053,357 ang kabuuang bilang ng rehistradong botante sa barangay election habanag 23,059,227 naman ang mga rehistradong botante para sa SK election.