Nabawasan ang mga sasakyang bumabagtas sa ilang kalsada sa Metro Manila, lalo sa EDSA sa gitna ng walang prenong Oil price hike.
Batay sa monitoring ng MMDA, aabot na lamang sa 392,000 vehicles ang bumagtas sa EDSA noong June 9 kumpara sa 417,000 noong May 5, 2022 at 405,000 bago magkaroon ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, base sa kanilang CCTV footage ay nabawasan ang mga sasakyan sa EDSA dakong alas-8 ng umaga noong Lunes kumpara noong Mayo a –5.
Sa halip anya magdala ng sasakyan ay mas pinili ng mga vehicle owner na sumakay na lamang sa mga pampublikong transportasyon dahil sa hindi maawat na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.