Niluwagan na ng Saudi Arabia ang ipinatutupad na health protocols kasabay ng nalalapit na Hajj Pilgrimage sa susunod na buwan bilang bahagi ng paggunita sa Eid Al-Adha.
Ayon sa awtoridad, hindi na ire-require ang pagsusuot ng face mask at pagpapakita ng proof of vaccination maliban sa Mecca Grand Mosque at isang mosque sa Medina.
Noong nakaraang linggo dumating sa Saudi Arabia mula sa Indonesia ang unang batch ng foreign pilgrims.
Bukod pa ito sa panibagong 850,000 pilgrims na darating ngayong buwan.
Umabot na sa 778,000 ang naitalang COVID-19 cases sa Saudi Arabia kung saan higit 9,100 ang nasawi simula noong 2020.