Patuloy na tatalima ang PNP sa utos ng DILG kaugnay sa pagpapatupad ng minimum public health standards kabilang ang face mask mandate.
Ito, ayon kay PNP spokesperson P/Col. Jean Fajardo, kasunod ng ipinatupad na ‘optional’ na pagsusuot ng face mask sa Cebu.
Iginiit pa ni Fajardo na magdudulot lamang ng kalituhan ang pagkakaroon ng magkakaibang direktiba.