Inanunsiyo ng Philippine National Police (PNP) na isasara ang ilang kalsada malapit sa National Museum of the Philippines, kung saan gaganapin ang inagurasyon ni President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Hunyo 30.
Ayon kay PNP Directorate for Operations Director Major General Valeriano De Leon, plano nila na maglalabas na ng advisories sa mga motorista sampung araw bago ang pagsasara ng mga naturang kalsada.
Umaasa naman si De Leon na magdedeklara nang holiday ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa June 30 upang masaksihan ang historic inauguration at para na rin hindi maabala ang mga may trabaho o mahahalagang lakad dahil sa mga isasarang kalsada.
Dagdag pa rito ay inaasahan din ng PNP na dadagsa ang mga raliyista sa Liwasang Bonifacio kaya mas maiging umano na magdeklara ng holiday ang lungsod.