Nasa safe level pa rin ang bed occupancy sa bansa sa kabila ng muling pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) kung saan aabot pa lang sa 17. 2% ng halos 30K hospital beds ang nagagamit sa kasalukuyan para sa mga pasyenteng may COVID-19.
Batay sa inilabas na datos ng doh, nasa 437 mula sa 2, 964 na Intensive Care Unit (ICU) beds naman ang okupado habang 4, 764 mula sa 27, 260 na non-ICU beds ang nagagamit na sa ngayon.
Habang nasa 239 mula sa 2, 680 na mechanical ventillators ang nagagamit para sa mga pasyente.