Tuluyan nang binura ng Commission on Elections (COMELEC) ang backup files na ginamit sa mga nakalipas na Halalan.
Isinagawa ang proseso sa bodega ng COMELEC sa Santa Rosa, Laguna kung saan nakatago ang tatlong portable drive ng backup files.
Laman ng backup files ang serialized ballot at ang sql dump files na naglalaman ng projects of precincts, impormasyon ng mga kandidato, reference files at ang mga nagre-request ng reprint ballots.
Live na ginawa ang proseso sa online streaming at makikita ang pagkuha ng mga portable mula sa storage area nito at ang pagbura ng mga data gamit ang system ng smartmatic.
Una nang tiannggal ng komisyon ang automated election system servers at network infrastructure nito sa kanilang data centers gayundin ang ballot face database.