Sarado muna sa linggo ang ilang kalsada sa lungsod ng Maynila para bigyang-daan ang isang marathon event.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magkakaroon ng road closure at rerouting para sa Rock ‘n’ Roll Running Series Marathon.
Magsisimula ang road closure alas-tres hanggang alas-nuwebe ng umaga at mula alas-tres ng hapon hanggang gabi sa:
- Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang Pres. Quirino Avenue
- Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive
- Katigbak Drive at South Drive
- Independence Rd.
- Burgos Ave. mula Roxas Blvd. hanggang Jones Bridge
- Orosa St. mula P. Burgos hanggang Kalaw
- Finance Rd. mula P. Burgos Avenue hanggang Taft Avenue
- Northbound lane ng Taft Avenue mula Ayala Boulevard hanggang P. Burgos Avenue
Maaari pang magbago ang oras ng pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada depende sa magiging bigat ng trapiko sa mismong araw ng marathon.