Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mabilis na pamamahagi ng ikalawang tranche ng fuel subsidy.
Ayon kay Tina Cassion, Executive Director ng LTFRB, inaayos na lang nila ang lahat ng documentary requirements para sa ilalabas na ayuda.
Inaasahang mas bibilis ang pamamahagi ng ikalawang round dahil nagawa at naipamahagi na ng Land Bank of the Philippines ang lahat ng cards at lalagyan na lang ito ng laman.
Sa katapusan ng Hunyo hanggang unang linggo ng Hulyo posibleng ipamahagi ang second tranche ng fuel subsidy.
Saklaw ng programa ang lahat ng Public Utility Vehicles (PUV) drivers at operators, maging ang tricycle drivers at kanilang operator bilang tulong sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.