Magbibigay ng isang bilyong dolyar na halaga ng armas si Us President Joe Biden sa Ukraine na gagamitin para sa pagpapalakas ng pwersang militar.
Ayon kay Biden, nakipag-ugnayan na siya kay Ukraine President Volodymyr Zelenskiy.
Kabilang saipadadala ang karagdagang artillery at coastal defense weapons, mga bala at advanced rocket systems.
Maliban dito, magbibigay din sa Biden sa Ukraine ng 225 million dollars bilang humanitarian assistance.
Una nang humingi ng karagdagang armas sa US ang Ukraine dahil sa patuloy na pagsalakay ng Russia.