Muling nanindigan ang DILG na mananatili ang implementasyon ng National Mask Mandate sa buong bansa, kabilang sa lalawigan ng Cebu.
Tugon ito ng kagawaran matapos tuluyang aprubahan ang ordinansa na nag-adopt sa direktiba ni Cebu Governor Gwen Garcia na gawing “optional” ang pagsusuot ng face mask sa outdoor settings.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, III, nakasaad sa Provincial Board Resolution na binibigyan si Garcia ng pagkakataon upang mag-promulgate ng implementing rules and regulations kung saan idedetalye ang nasabing resolusyon.
Aabangan anya nila ang IRR upang matiyak na alinsunod ang resolusyon sa national government health protocols.
Pero dahil sa Provincial Board Resolution, inihayag ng DILG official na “moot” o malabo pang maipatupad ang nasabing polisiya kung wala pang IRR.
Binigyang-diin ni Densing na hangga’t walang IRR ay manghuhuli pa rin ang mga pulis ng mga hindi nagsusuot ng facemask sa ilalim ng national policy.