Manageable pa rin ang mga hospitalization utilization rate ng bansa sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Dr. Maricar Limpin, dating pangulo ng Philippine College of Physicians, karamihan sa mga kaso ngayon ay mild o moderate cases lamang kaya’t hindi gaanong tataas ang bilang ng mga pasyenteng ma-oospital.
Gayunman, sinabi ni Limpin na inaasahan nilang lalo pang tataas ang COVID-19 cases kung hindi magsusuot ng face mask at hindi magpapabakuna ang publiko.