Ipinangako ni Chinese President Xi Jinping kay Russian President Vladimir Putin na susuportahan ng China ang soberanya at ang seguridad ng Russia.
Ito ay matapos ang naging pag-uusap ng dalawang lider sa telepono mula ng maglunsad ng tinawag na special military operation ng Russia sa Ukraine.
Ipinabatid ni Chinese President na handa ang Beijing na palakasin ang strategic coordination nito sa Russia.
Napagkasunduan ng dalawang lider na palakasin pa ang economic cooperation sa bakila ng kinakaharap na unlawful na sanction ng western.
Kabilang dito ang kooperasyon pagdating sa enerhiya, pinansyal, transportasyon at iba pang sektor.
Samantala, tumanggi ang china na kondenahin ang massive military assault ng Moscow sa Ukraine at inakusahan ng pagbibigay ng diplomatic support ang russia.