Muling inihayag ng China na kanilang susuportahan ang seguridad at soberanya ng Russia.
Nangako si Chinese President Xi Jinping kay Russian President Vladimir Putin na paninindigan nito ang kaniyang suporta kasabay ng pananakop ng Russia sa Ukraine.
Ayon kay Xi, handa ang kanilang bansa para palakasin ang strategic coordination nito sa Russia sa kabila ng kinakaharap na umano’y unlawful sanction ng ibat-ibang mga bansa.
Sakop ng nasabing kooperasyon ng China sa Russia ang enerhiya, pinansyal, transportasyon at iba pang sektor.
Matatandaang tumanggi ang China na kondenahin ang massive military assault ng Moscow sa Ukraine dahilan para akusahan ng ibang mga bansa ang China sa pagbibigay nito ng diplomatic support sa Russia.