Nilinaw ni Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes na hindi lamang solusyon ang pag-aangkat ng isda upang mapataas ang supply.
Sa gitna ito ng batikos ng grupong Pambansang Lakas ng Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) na ang pag-fish importation ay maaaring magdagdag ng pasanin sa mga lokal na mangingisda.
Iginigiit ng pamalakaya na dahil sa pag-aangkat ay maaari nitong bawasan ang halaga ng local fish production, na magpapalala sa kanilang pakikibaka sa gitna ng walang prenong oil price increase.
Gayunman, ipinaliwanag ni Reyes na kailangang isulong ang pagtatayo ng mga imprastraktura na kailangan ng mga lokal na mangingisda upang matulungan silang madagdagan ang huling isda.
Samantala hinimok naman ng DA ang susunod na administrasyon na maglagay din ng premium sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para madagdagan ang suplay ng isda.